Home NATIONWIDE Tanong sa confi funds, ‘di sinagot ni VP Sara bunsod ng pending...

Tanong sa confi funds, ‘di sinagot ni VP Sara bunsod ng pending impeachment

301
0

MANILA, Philippines – Tumanggi si Vice President Sara Duterte nitong Martes na sagutin ang tanong ukol sa paggamit ng kanyang opisina ng ₱625-milyong confidential funds, dahil bahagi ito ng naka-pending na impeachment case laban sa kanya at maaari umanong makaapekto sa national security.

Nang tanungin kung in-apela ng kanyang opisina ang Notice of Disallowance ng Commission on Audit, tugon ni Duterte: “This [confidential fund] is a subject of an impeachment proceeding. I cannot discuss defense and strategy because the prosecutors will come from the House of Representatives.”

Hindi rin niya ibinunyag kung sino ang tumanggap ng pondo, dahil umano sa sensitibong operasyon ng intelihensiya.

Nauna nang idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang impeachment laban kay Duterte at naglatag ng bagong mga patakaran. Inarchive ng Senado ang reklamo, ngunit hiniling ng Kamara na baligtarin ng Korte ang desisyon.

Kabilang sa Articles of Impeachment laban sa Bise Presidente ang: umano’y sabwatan sa planong pagpatay kina Pangulong Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at Speaker Romualdez; malversation ng pondo; katiwalian sa DepEd; hindi maipaliwanag na yaman; pagkakasangkot sa EJKs sa Davao; at mga destabilization at insurrection efforts. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here