Home NATIONWIDE Mala-mafia: Sobrang taas na interes ng online lending apps, sinita ni Zubiri

Mala-mafia: Sobrang taas na interes ng online lending apps, sinita ni Zubiri

268
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri ang kawalan ng batas na nagtatakda ng limitasyon sa interest rates ng online lending apps, na aniya’y naglalagay sa milyon-milyong Pilipino sa panganib ng mapagsamantalang praktis.

Sa pagdinig ng Senado, tinanong ni Zubiri kung bakit SEC at hindi Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang nagbabantay sa lending apps. Nadismaya siya nang aminin ng SEC na, dahil suspendido ang Usury Law, malaya ang mga app na magpataw ng sobrang taas na interes.

“Oh my, so mas grabe pa sa Mafia ito, sa Yakuza,” ani Zubiri, at iginiit na maraming minimum wage earners ang pumipirma ng kontrata nang hindi naiintindihan ang nakatagong kondisyon, saka pinapahiya kapag hindi makabayad.

Binanggit niya ang desisyon ng Korte Suprema noong 2024 na nagsabing abusado na ang 3% buwanang interes, at hinimok ang agarang aksyon: “Every time you spend studying it, there’s a person hanging himself… because of these abusive online lending apps.”

Iminungkahi ni Zubiri na ilipat sa BSP ang regulasyon: “Maybe what we should do is let the SEC concentrate on corporations and let’s give the lending regulation to the BSP kasi sila talaga ang expert.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here