Home OPINION 322 KABATAAN SA DAVAO NAKAPAGTAPOS NG SOFT/CORE SKILLS TRAINING NG DOLE

322 KABATAAN SA DAVAO NAKAPAGTAPOS NG SOFT/CORE SKILLS TRAINING NG DOLE

296
0

MAYROONG 322 kabataan mula sa Panabo City, Tagum City, sa Island Garden City ng Samal (IGACOS) ang matagumpay na nagtapos ng Soft/Core Skills Training (SCST) sa ilalim ng programang JobStart Philippines, isang inisyatiba ng Department of Labor and Employment (DOLE) na layuning ihanda ang mga kabataan sa mundo ng paggawa.

Muling pinagtibay ng DOLE at ng Public Employment Service Offices (PESOs) ang kani­lang pangako makapagbigay ng patuloy na suporta ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na bigyang kasanayan, kumpiyansa, at oportunidad ang mga kabataang Pilipino upang magtagum­pay sa kanilang trabaho at ma­kapag-ambag sa isang malakas, mas inklusibong Bagong Pilipinas.

Nakatuon ang sampung araw na pagsasanay, na isinagawa sa pangangasiwa ng DOLE Davao del Norte, at sa pakikipagtulungan ng mga lokal na PESO, sa pagpapaunlad ng mga mahahalagang kasanayan sa lu­­gar-paggawa tulad ng professionalism, communication, at de­cision-making—mga kritikal na kasanayan upang magtagumpay sa kasalukuyang lugar-paggawa.

Tumanggap ang bawat nagtapos ng PHP 4,000 bilang ba­hagi ng kanilang allowance. Bukod dito, lumagda ang mga bagong employer ng Memorandum of Agreement (MOAs), na nagpapalawak sa oportunidad para sa mga trainee ng JobStart sa buong lalawigan.

Magpapatuloy sa susunod na yugto ng programa ang mga hindi pa nakahanap ng trabaho, na kinabibilangan ng teknikal na pagsasanay at mga internship na idinisenyo upang itugma ang mga kalahok sa angkop na landas ng karera.

Sa naitalang mensahe, hi­ni­mok ni OIC-Assistant Secretary at Bureau of Local Employment Director Patrick P. Patriwirawan, Jr., ang mga kabataan na yakapin ang kanilang papel sa paghubog ng kinabukasan ng bansa. “Inyong tandaan, simula pa lamang ito ng inyong paglalakbay kasama ang JobStart.

Gamitin ang inyong mga talento hindi lamang upang bumuo ng mas magandang kinabukasan para sa inyong mga sarili kundi pati na rin upang magbigay ng makabuluhang kon­tribusyon sa ating mga komunidad at sa pagpapanday ng bansa para sa mas matatag na Bagong Pilipinas,” pahayag ni OIC-Asec Patriwirawan, Jr.

Ginanap ang seremonya ng pagtatapos noong Hulyo 30 sa IGACOS na pinangunahan ni DOLE Regional Office XI Assistant Regional Director Atty. Kim S. Lagcao, at nagbigay inspi­rasyon sa mga nagtapos at pinayuhan sila na ipagpatuloy ang kanilang “momentum” sa susunod na bahagi ng prog­rama.

“Sa pagpapatuloy ng inyong teknikal na pagsasanay at internship, at para sa ilan na diretso nang magtatrabaho, hi­nihimok namin kayong patuloy na mag-aral, patuloy na magsumikap, at patuloy na humarap na may parehong determinasyon na nagdala sa inyo dito ngayon,” wika ni Lagcao.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here