Home METRO Parak namaril ng mga kabaro sa Cagayan checkpoint; 1 dedo, 1 sugatan

Parak namaril ng mga kabaro sa Cagayan checkpoint; 1 dedo, 1 sugatan

336
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang pulis at sugatan ang isa pa matapos pagbabarilin ng kanilang kabaro sa isang checkpoint sa Barangay Gaddangao, Rizal, Cagayan nitong Sabado, Setyembre 13, 2025.

Ayon sa imbestigasyon, galing umano sa patrol duty ang suspek nang bigla nitong tutukan ng baril ang isang kasamahang pulis. Tinangka siyang awatin ng dalawa pa, ngunit doon na nangyari ang pamamaril.

Dead on arrival sa ospital ang isang biktima habang ginagamot ang isa pa. Nakaligtas naman nang walang sugat ang isa pang kasama.

“So, itong mga involved, itong suspect nga po kasama ’yung biktima ay magkakasama doon po mismo sa checkpoint doon,” ayon kay Police Captain Shiela Joy Fronda, tagapagsalita ng Cagayan Provincial Police Office.

Patuloy ang imbestigasyon sa motibo ng suspek na sumuko at ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya. Nahaharap siya sa mga kasong homicide at frustrated homicide. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here