Home HOME BANNER STORY DPWH tinapyasan ng ₱255B sa 2026 budget 

DPWH tinapyasan ng ₱255B sa 2026 budget 

739
0

MANILA, Philippines – Binawasan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang panukalang 2026 budget nito mula ₱881 bilyon tungo sa ₱625.7 bilyon, katumbas ng halos ₱255.5 bilyon matapos ang rebisyon.

Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, tinanggal ang mga duplicate at natapos na proyekto, kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang lahat ng locally funded flood control projects na nagkakahalaga ng ₱252 bilyon.

“The revised budget amounts to ₱625,784,508,000 which is ₱255,528,051,000 or 28.99% lower than the originally proposed ₱881,312,559,000,” ani Dizon.

Dagdag pa niya, inirekomenda ng Pangulo na ilipat ang naturang pondo sa mga programa sa Agrikultura, Edukasyon, Kalusugan, Pabahay, Paggawa, Social Welfare, at IT.

Isinumite ni Dizon ang rebisadong budget na may petsang Setyembre 15 kay House Speaker Martin Romualdez sa pamamagitan ng Appropriations chair na si Rep. Mikaela Angela Suansing.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang mga imbestigasyon ng iba’t ibang ahensya, Senado, at Kamara sa umano’y anomalya at ghost projects sa flood control spending. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here