Home NATIONWIDE Kauna-unahang libreng angiogram isinagawa sa Ospital ng Maynila

Kauna-unahang libreng angiogram isinagawa sa Ospital ng Maynila

282
0

MANILA, Philippines – “SALAMAT sa Diyos.”

Ito ang sambit ng pasasalamat ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang matagumpay na naisagawa ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila ang kauna-unahang libreng angiogram sa Ospital ng Maynila—isa sa mga itinulak na proyekto ng alkalde bilang bahagi ng pagpapalawak ng libreng serbisyong pangkalusugan para sa mga Manilenyo.

Nabatid kay Yorme Isko na ang nasabing angiogram procedure ay isinagawa bandang ala-1:00 ng hapon noong Lunes sa Cardiac Catheterization Laboratory ng Ospital ng Maynila Medical Center.

Pinasalamatan naman ni Domagoso ang buong team ng Cath Lab na pinangungunahan ni OIC-City Health Officer Dr. Grace Padilla.

Binubuo ang medical team nina Dr. Camilo Oliver Aquino, Dr. Wilfred Dee, Dr. Ian Bagauisan, Dr. Perry Jun Prieto, Dr. Jeremias Balgua Jr., at Dr. Oliver Nelson Zane.

Tinulungan sila ng mga tauhan ng Cath Lab na sina Veronica Imbag, Ruben Mendoza, Christian Macansantos, Ricky Matic, Crisel Nicolas, at Joannette de Vera.

“The angiogram marked the first time the Manila local government unit provided the advanced cardiovascular test to residents at no cost,” saad ng alkalde.

Nabatid na sa mga pribadong ospital, ang nasabing procedure ay nagkakahalaga ng hindi bababa sa ₱58,000, habang ang mga follow-up na interbensyon tulad ng angioplasty ay maaaring umabot sa mahigit ₱300,000.

Ang matagumpay na angiogram procedure ay naganap isang linggo matapos pormal na pinasinayaan ni Domagoso ang unang Cardiac Catheterization Laboratory (Cath Lab) ng lungsod sa Ospital ng Maynila noong Setyembre 8.

“Rest assured, despite lack of resources, we will continue to support our doctors and nurses with the facilities they need,” saad ni Domagoso.

—JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here