Home METRO Engineer tigok sa tambang

Engineer tigok sa tambang

223
0

MAGUINDANAO DEL NORTE – Patay ang isang engineer matapos tambangan at pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek kagabi sa bayan ng Datu Odin Sinsuat.

Kinilala ang biktimang si Engineer III Romeo Ibero Livelo ng Ministry of Social Services and Development-BARMM at residente ng Upi, Maguindanao.

Ayon kay Lt. Col. Jopy Ventura, tagapagsalita ng Police Regional Office Bangsamoro, bandang 6:00 p.m. noong Martes, Setyembre 16, 2025, naganap ang krimen sa Sitio Kapihan, Barangay Awang, DOS.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng biktima ang kanyang itim na Honda Beat na may plakang M389EC pauwi sa kanilang tahanan nang bigla na lamang itong tambangan ng hindi pa nakikilalang suspek.

Dito, pinagbabaril ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan saka mabilis na tumakas ang suspek.

Isinugod pa sa ospital ang biktima upang lapatan ng lunas, subalit nalagutan na rin ito ng hininga habang ginagamot.

Nagpapatuloy ang follow-up investigation ng pulisya upang malaman ang tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng suspek para sa agarang pagdakip. —Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here