Home NATIONWIDE BFAR ship, napinsala sa pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard

BFAR ship, napinsala sa pagbomba ng tubig ng Chinese Coast Guard

323
0

MANILA, Philippines – Napinsala ang barko ng Department of Agriculture’s Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos bombahin ng tubig ng dalawang China Coast Guard (CCG) vessels sa Bajo de Masinloc noong Martes ng umaga, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sinabi ng PCG na ang BRP Datu Gumbay Piang ng BFAR ay nagsasagawa ng resupply mission nang harasin ng CCG, na nagresulta sa pagkasira ng barko at pagkasugat ng isang crew member.

Dagdag pa ng PCG, isa pang Chinese Maritime Militia vessel, CMM 00001, ang nagsagawa ng mapanganib na maniobra at tinangkang bombahin ng tubig ang barko ng Pilipinas.

Gayunman, epektibong nagsagawa ng mga safety maneuver ang BRP Datu Gumbay Piang upang maiwasan ang karagdagang pinsala.

Sinabi rin ng PCG na mayroong People’s Liberation Army-Navy warship na may bow number 525 na naglabas ng radio broadcast na nag-aanunsyo ng live-fire exercise, na nagdulot ng panic sa mga mangingisdang Pinoy sa kalapit na katubigan.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here