Home NATIONWIDE P272-M ‘bato’ nasabat sa Batangas Port

P272-M ‘bato’ nasabat sa Batangas Port

299
0

MANILA, Philippines – Umaabot sa P272 milyong halaga ng iligal na droga ang nakumpiska ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, at Coast Guard K9 Unit sa Batangas Port noong Martes, Setyembre 16.

Nadiskubre ang mga kontrabando sa loob ng apat na speakers na lulan ng isang sasakyan na minamaneho ng isang 30-anyos na taga-Cotabato City, matapos magpositibo sa K9 unit, ayon sa PCG.

Dinala na ang suspek at mga ebidensya sa PDEA Headquarters para sa imbestigasyon.

Itinuring naman ng PCG na isa itong matagumpay na operasyon na nagpapakita ng matibay na pagtutulungan ng mga ahensya sa pagpigil sa pagpasok ng iligal na droga sa pamamagitan ng mga daungan sa bansa.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here