Home NATIONWIDE LPA sa labas ng PAR, bagyon na rin — PAGASA

LPA sa labas ng PAR, bagyon na rin — PAGASA

263
0

MANILA, Philippines – Ang low pressure area (LPA) na mino-monitor sa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ay naging tropical depression nitong Miyerkoles ng umaga, ayon sa PAGASA.

Huling namataan ang sistema 1,330 km silangan ng Virac, Catanduanes, taglay ang lakas ng hanging 45 kph at bugso na 55 kph, habang kumikilos pakanluran-hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Samantala, patuloy na binabantayan ang Tropical Depression Mirasol na nasa Santiago, Isabela, dahilan para itaas ang Signal No. 1 sa 14 na lugar kabilang ang Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Nueva Vizcaya, Ilocos Norte, Ilocos Sur, hilaga at gitnang Aurora, at hilaga/silangang Benguet. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here