MANILA, Philippines – Iginiit ni House Deputy Speaker Ronaldo Puno nitong Miyerkoles na dapat pabalikin sa Pilipinas si Ako Bicol Rep. Zaldy Co, na sinasabing nasa Estados Unidos ngayon, “kahit pilitin kung kinakailangan” upang harapin ang mga paratang ng korapsyon.
Si Co, dating chair ng House appropriations committee, ay inaakusahan ng pagbubunsod ng bilyong pisong insertions sa 2025 budget para sa umano’y maanomalyang flood control at iba pang infrastructure projects. Itinanggi niya ang paratang ngunit iniimbitahan siyang humarap sa imbestigasyon ng Kamara.
“What is the plan on Zaldy Co? Well, in Congress, we’re saying that he should be brought back, forcibly if necessary,” pahayag ni Puno sa panayam ng ANC.
Dagdag pa niya, maaari itong isagawa sa ilalim ng Philippines-US extradition treaty.
“This is not a legislative inquiry issue anymore, I think this is a criminal thing. Cases have to be filed… I hope that cases will be filed and people will be jailed.” RNT