Home NATIONWIDE Sen. Go: Sports at health facilities unahin kaysa proyektong walang silbi at...

Sen. Go: Sports at health facilities unahin kaysa proyektong walang silbi at ginagawang gatasan

216
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Senador Christopher “Bong” Go, chair ng Senate Committee on Sports, na ilaan ang mas malaking pondo sa sports, health, at evacuation facilities kaysa sa mga flood control projects na aniya’y walang pakinabang at nagiging “gatasan” lamang ng iilan.

“Instead of using funds for flood control in areas where no one benefits, put them into sports facilities, dormitories, and repairs of existing venues… ito talaga ay makikita at mapapakinabangan ng mga kababayan natin,” pahayag ni Go sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, Setyembre 15.

Binigyang-diin niya ang mandato ng Ligtas Pinoy Centers Act para sa pagpapatayo ng evacuation centers, at sinabing kung ang pondong ginastos sa flood control nitong tatlong taon ay inilaan sa disaster resilience, maaaring nakapagtayo na ng 60,000 evacuation centers o 80,000 health centers.

Hinimok din niya ang DPWH na unahin ang rehabilitasyon ng mga pasilidad ng Philippine Sports Commission (PSC) at ang National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City.

Ipinunto naman ni PSC Chairman Patrick Gregorio ang pangangailangang i-modernize ang 91-taong gulang na Rizal Memorial Sports Complex na matagal nang binabaha. Kabilang sa plano ang pagtatayo ng catchment systems katuwang ang MMDA para maayos ang problema.

Tiniyak ni Gregorio na minamadali na ang redevelopment sa tulong ni DPWH Secretary Vince Dizon, at makikita na sa lalong madaling panahon ang mga pagbabago sa Rizal Memorial, mga pasilidad ng field sports, at training centers sa Baguio. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here