Home NATIONWIDE KILALANIN: Inaasahang papalit kay Romualdez bilang House Speaker

KILALANIN: Inaasahang papalit kay Romualdez bilang House Speaker

381
0

MANILA, Philippines – Si Isabela 6th District Rep Faustino “Bojie” Dy III ang naging kapalit ni House Speaker Martin Romualdez bilang House Speaker ng 20th Congress.

Sino ba si Dy?

Si Dy ay hindi bagito sa mundo ng pulitika, siya ay mula sa political clan ng pamilya Dy mulla sa Isabela, ang ama nito na si Faustino Dy Sr ay nagsilbi na Isabela governor mula noong dekada 70 hanggang 1992.

Si Bojie naman ay pumasok sa pulitika noong 1998, nagsilbi bilang mayor at naging kontrobersiyal nang manalo sa gubernatorial race laban kay Grade Padaca.

Mula nang pumasok sa pulitika ay naglipat-lipat ito sa ibat ibang local post, mula governor, vice governor, provincial board at kongresista.

Nagsilbi ito bilang congressman ng ikatlong distrito ng Isabela mula 2001 hanggang 2010 at muling bumalik sa ilalim ng 20th Congress bilang 6th District Representative.

Ang 6th District ay nabuo noon lamang 2018 at ang nagsilbi na kinatawan nito mula 2019 hanggang 2025 o 18th hanggang 19th Congress ang anak ni Bojie na si Faustino “Inno” Dy V.

Hindi na tumakbo sa ikatlong termino si Inno at nagbigay-daan sa kanyang ama na si Bojie na ngayon ay nahirang na House Speaker ng 20th Congress.

Batay sa datos ay walo mula sa pamilya Dy ang nanalo sa nakalipas na May 2025 election at sa Kamara ay tatlo ang Kongresista na Dy. Ito ay sina Bojie, Ian Paul ng 3rd District at Faustino V ng 5th District.

Si Bojie ay tumakbo sa ilalim ng Partido Liberal ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. sa ilalim ng 2025 elections.

Una nang kinumpirma ni Deputy Speaker Ronaldo Puno na si Dy ay inirekomenda mismo ni House Speaker Martin Romualdez na maging kapalit nito. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here