Home NATIONWIDE 1.4K turista sa Machu Picchu inilikas sa malawakang kilos-protesta sa Peru

1.4K turista sa Machu Picchu inilikas sa malawakang kilos-protesta sa Peru

221
0

PERU — Umabot sa 1,400 turista ang inilikas sa magdamag mula sa mga istasyon ng tren na nagsisilbing inca citadel ng Machu Picchu, habang 900 pa ang nananatiling istranded kasabay ng pagharang ng mga raliyista sa mga railway track.

Naglagay ng barikada ang mga residente sa pamamagitan ng mga troso at bato sa riles bilang panawagan na palitan ang kompanyang namamahala sa mga bus na nagsasakay ng mga bisita mula Aguas Calientes papunta sa makasaysayang pook.

“We managed to evacuate about 1,400 tourists,” pahayag ni Tourism Minister Desilu Leon sa RPP radio.

Ayon sa pulisya, 14 na tauhan ang nasugatan sa sagupaan sa pagitan ng mga awtoridad at mga nagpoprotesta noong Lunes ng gabi.

Ilang turista ang nagkuwento na pinayuhan silang maglakad nang ilang oras upang makalabas ng Machu Picchu area.

“In my case, I can’t do it because my wife is pregnant,” ani Chilean visitor Miguel Salas.

Nagpahayag si Leon na nakatakda ang pagpupulong kasama ang lokal na pamahalaan at unyon upang hanapan ng solusyon ang hinaing ng mga residente.

Noong nakaraang taon, 1,200 turista rin ang kinailangang ilikas sa gitna ng protesta, habang noong 2022, isinara ang complex ng 25 araw dahil sa mga kilos-protesta matapos ang impeachment at pagkakaaresto kay dating pangulong Pedro Castillo.

Turismo ang isa sa mga pangunahing haligi ng ekonomiya ng Peru. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here