Nagbigay-seguridad ang PRO 1 sa inspeksyon ng mga flood control project sa Bauang at Tubao, La Union noong Setyembre 16, 2025, kasama sina PBGEN Dindo R. Reyes, ICI Adviser Benjamin Magalong, at DPWH Sec. Vince Dizon.
MANILA, Philippines – Hindi bababa sa pito hanggang walo sa nagungunang 15 kontratista para sa flood control project ng gobyerno ang may parehong opisyal, sinabi ng National Bureau of Investigation (NBI) nitong Miyerkules, Setyembre 17 na nagpapataas sa hinala sa bid “rigging”.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago sa press briefing na sinimulan na ng ahensya ang pag-iimbestiga sa umano’y korapsyon sa flood-control projects ng pamahalaan, kabilang ang mga personal na ininspeksyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Pero tumanggi si Santiago na pangalanan ang mga kontratista dahil sa nagpapatuloy pang imbestigasyon.
Gayunman, sinabi ni Santiago na ang nakalap na mga impormasyon ay ibibigay sa Department of Justice para sa case build up, na tumututok sa flood control projects sa Bulacan at Mindoro. Jocelyn Tabangcura-Domenden