Home NATIONWIDE Ilocos Norte execs humingi ng tulong sa DOTr sa planong Pagudpud airport...

Ilocos Norte execs humingi ng tulong sa DOTr sa planong Pagudpud airport project

275
0

MANILA, Philippines — Humingi ng tulong ang mga opisyal ng Ilocos Norte sa Department of Transportation (DOTr) para sa planong pagtatayo ng paliparan sa Pagudpud na layong pasiglahin ang ekonomiya ng lalawigan.

Sa bisa ng Provincial Resolution 042-2025, hiniling ng Sangguniang Panlalawigan sa DOTr na magsagawa ng feasibility study para sa proyekto.

“Famous for its pristine beaches, scenic landscapes, and rich cultural heritage, Pagudpud can attract more local and foreign tourists with the establishment of a reliable and efficient air transportation infrastructure,” ayon kay Board Member Marlon Ferdinand Sales, may-akda ng resolusyon.

Sa deliberasyon, sinabi ni Engr. Raul Glorioso ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kinakailangang magsagawa muna ng teknikal na pagsusuri upang tiyakin kung pasado ang site sa 24-kilometrong radius requirement mula sa kasalukuyang paliparan at kung may mga natural o man-made na sagabal sa runway.

Matapos ang teknikal na pagsusuri, susundan ito ng pag-aaral sa economic viability ng proyekto, dahilan kung bakit kailangan ang full feasibility study na maaaring tumagal ng isang taon o higit pa.

Inirerekomenda ng resolusyon na agad magsagawa ng site evaluation at teknikal na pag-aaral ang DOTr, sa pangunguna ni Acting Secretary Giovanni Lopez, bago ang mas detalyadong feasibility study na mangangailangan ng pondo.

Dalawang posibleng lokasyon ang pinag-aaralan para sa paliparan — Barangay Tarrag at Caparispisan.

Noong nakaraang taon, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakapaloob sa malalaking imprastruktura sa Ilocos Region ang mga proyektong magpapalakas hindi lamang ng turismo kundi pati ng countryside development. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here