RAMON, Isabela – Sa kulungan ang bagsak ng akusado sa panggagahasa na tinaguriang Top 8 Most Wanted Person sa probinsya ng Isabela matapos na maaresto sa Purok 4, Brgy. Bugallon Norte, Ramon, Isabela.
Sa direktiba ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela, hanapin at panagutin ang mga nagkasala sa batas para mabigyan ng hustiya ang mga biktima lalo sa kasong panggagahasa kung kayat naaresto ang akusado na pinangunahan ng Ramon Municipal Police Station katuwang ang RIU2 CIT Santiago City ang isang lalaking helper na si alyas Ian, 24 taong gulang, at residente sa nasabing lugar.
Dakong 10:40 ng umaga, alinsunod sa Warrant of Arrest na inisyu noong Setyembre 10, 2025 ng Presiding Judge ng Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 21, Santiago City, Isabela.
Ang suspek na nasa listahan bilang Top 8 Provincial Level Most Wanted Person ay naaresto sa kasong Sekswal na Panggagahasa at walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan nito. Matapos ang pag-aresto, agad na ipinaalam sa akusado ang kaniyang mga karapatan sa ilalim ng Miranda Doctrine.
Pansamantala nasa kustodiya ng Ramon Police Station ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon at tamang diaposisyon bago ipasakamay sa korteng pinagmulan. REY VELASCO