Home NATIONWIDE Libreng ‘spay and neuter program’ ilulunsad sa Maynila

Libreng ‘spay and neuter program’ ilulunsad sa Maynila

304
0

MANILA, Philippines – INIHAYAG ng tanggapan ni Manila Vice Mayor Chi Atienza ang pakikipagtulungan ng City Veterinarian at ng Biyaya Animal Care Foundation upang mag-alok ng libreng spaying at neutering para sa mga pusa at aso sa buong Lungsod ng Maynila.

Pinagtibay ang nasabing public-private partnership matapos ang apela ni Atienza sa mga animal lovers at Non-Governmental Organizations (NGOs) na mag-ampon ng mga aso at pusa mula sa Vitas Pound. Kinumpirma ito sa courtesy meeting noong Martes, Setyembre 16, kung saan nakipagpulong ang bise alkalde at si Mayor Isko Domagoso kay Marina Ortiz, tagapagtatag ng foundation, upang isulong ang responsableng pagmamay-ari ng alagang hayop at ipatupad ang makataong solusyon sa pamamahala sa populasyon ng hayop sa lungsod.

Si Atienza, isang certified animal lover, ay nagpahayag ng kanyang sigasig sa programa at sa kahalagahan nito para sa komunidad.

“I am pleased that the Biyaya Animal Care Foundation approached our office to collaborate with the city government,” ani VM Atienza.

“Under the leadership of Mayor Isko Moreno, this initiative for free spaying and neutering of cats and dogs in Manila will be a significant step forward in promoting animal welfare in our city,” dagdag pa ni Vice Mayor Chi.

Nagpahayag naman si Domagoso ng buong suporta sa nasbaing programa at binigyang-diin ang pangmatagalang benepisyo at proteksyon nito sa kapwa hayop at residente.

Ipapatupad ang programa sa pakikipagtulungan ng Manila Veterinary Inspection Board (VIB), sa pamumuno ni Dr. Joey Diaz, at ng Manila City Pound, sa pangunguna ni Dr. Hector Dimaculangan.

Ang mga karagdagang detalye tungkol sa iskedyul, mga lokasyon, at proseso ng pagpaparehistro para dito ay iaanunsyo sa lalong madaling panahon sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng Manila Public Information Office at ng mga kaugnay na departamento. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here