Home HOME BANNER STORY Gabriela Partylist opisyal nang ipinroklama ng Comelec

Gabriela Partylist opisyal nang ipinroklama ng Comelec

312
0

MANILA, Philippines – Opisyal nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) ang Gabriela Party-list bilang nanalong partylist group noong nagdaang halalang 2025.

Kakatawanin bilang ika-64 party-list representative ni Gabriela Party-list ang 1st nominee na si Sarah Elago.

Tumayong National Board of Canvassers ang Comelec en banc sa proklamasyon na isinagawa ngayong hapon, Setyembre 17 sa Session hall ng Palacio del Gobernador Building sa Intramuros, Maynila.

Sinabi ni Elago sa isang pahayag na agad silang magtatrabaho sa Kongreso at lalahok sa mga pagkilos laban sa korapsyon.

Ang Gabriela party-list ang kumumpleto sa 20% party-list allocation sa Kamara na katumbas ng 64 party-list representatives alinsunod sa hinihingi ng batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here