Home NATIONWIDE PNP, handa na para sa Sept. 21 anti-corruption rallies

PNP, handa na para sa Sept. 21 anti-corruption rallies

321
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na handa itong pamahalaan ang mga kilos-protesta sa Setyembre 21, kasabay ng paggunita sa ika-53 anibersaryo ng Martial Law.

Ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Randulf Tuaño, magtatalaga ng 23,201 tauhan sa buong bansa: 9,239 sa checkpoints, 5,917 sa crowd management, 4,530 bilang support force, 415 para sa drone operations, at 3,100 sa traffic control.

Tinatayang hindi lalampas sa 10,000 ang makikilahok.

Binigyang-diin ni Tuaño na nasa heightened alert ang pulisya ngunit paiiralin ang maximum tolerance.

“The police will be present, patient, and will listen to the sentiments of our countrymen, especially organizers with permits,” aniya.

Idinagdag pa niya na kakaiba ang sitwasyon sa Pilipinas kumpara sa Nepal at Indonesia dahil mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nagpasimula ng imbestigasyon sa anomalya sa flood control projects.

Nakikipag-ugnayan din ang PNP sa LTO, LTFRB, at MMDA para sa libreng sakay sa gitna ng transport strike. Higit 200 sektor at grupong simbahan ang naghayag ng intensyong lumahok sa protesta. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here