Home NATIONWIDE Panibagong interim release motion inihain ng kampo ni Digong sa ICC

Panibagong interim release motion inihain ng kampo ni Digong sa ICC

282
0

MANILA, Philippines – Naghain ng panibagong “Defence Notification” sa International Criminal Court (ICC) ang kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang humiling ng pansamantalang paglaya, iginiit na hindi makatarungan ang patuloy na pagkakakulong habang dinidinig pa ang isyu ng kanyang “fitness to stand trial.”

Ayon sa abogado niyang si Nicholas Kaufman, hindi na kayang dumalo ni Duterte sa paglilitis dahil hirap umano itong makaalala ng mga pangyayari, lugar, at maging ng sariling pamilya. Naantala rin ang nakatakda sanang pagdinig noong Setyembre 23 dahil dito.

Iginiit ng kampo na ang pansamantalang paglaya ay magtitiyak sa karapatan ni Duterte nang hindi naaantala ang kaso. Nagsumite rin sila ng 30 ebidensiya sa ICC ngayong buwan.

Samantala, sinabi ni Bise Presidente Sara Duterte na nakausap niya ang ama sa telepono at tiniyak na nasa maayos itong kalagayan.

Kasalukuyang nakakulong si Duterte sa Hague’s Scheveningen Prison dahil sa kasong crimes against humanity kaugnay ng “war on drugs” ng kanyang administrasyon. Nasa mahigit 6,000 ang napatay ayon sa opisyal na tala ng gobyerno, ngunit tinatayang umaabot sa 30,000 ang bilang ayon sa mga grupo ng karapatang pantao. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here