Home NATIONWIDE DSWD sa 4Ps beneficiaries: Diskuwento sa water bill, samantalahin

DSWD sa 4Ps beneficiaries: Diskuwento sa water bill, samantalahin

318
0

MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na magparehistro sa Enhanced Lifeline Program (ELP) ng Maynilad at Manila Water upang makakuha ng diskuwento sa singil sa tubig.

Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, saklaw ng lifeline rate ang mga pamilyang mababa ang kita na kumokonsumo ng 10 cubic meters pababa kada buwan. Inaasahan aniya ang pagtaas ng konsumo sa tubig at kuryente ngayong papalapit ang holiday season.

Kailangan magpakita ng 4Ps ID, isang government-issued ID, application form, at pinakahuling water bill sa alinmang helpdesk o opisina ng Maynilad o Manila Water.

Maaari ring mag-apply ang mga non-4Ps households na pasok sa poverty threshold basta may sertipikasyon mula sa kanilang lokal na social welfare office. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here