Home NATIONWIDE Mirasol, lumabas na ng PAR

Mirasol, lumabas na ng PAR

276
0

MANILA, Philippines – Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Mirasol kaninang alas-8 ng umaga, ayon sa PAGASA.

Huling namataan si Mirasol sa layong 355 km kanluran ng Calayan, Cagayan, taglay ang hanging 55 kph at bugso na aabot sa 70 kph.

Patuloy namang binabantayan ang Tropical Depression Nando na nasa 1,350 km silangan ng Central Luzon at may parehong lakas ng hangin at bugso.

Nauna nang isinailalim sa Signal No. 1 ang Batanes, Babuyan Islands, bahagi ng Cagayan, Apayao, hilagang Abra, Ilocos Norte, at hilagang Ilocos Sur. Inaasahan ang maulan at mahangin na panahon sa iba’t ibang panig ng bansa dahil sa epekto ng mga weather system. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here