Home NATIONWIDE 3-day transport strike ng Manibela, tinuldukan na

3-day transport strike ng Manibela, tinuldukan na

223
0

MANILA, Philippines – Tinapos na ng transport group na Manibela ang kanilang planong tatlong araw na welga nitong Huwebes, isang araw nang mas maaga, matapos ang apela ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon kay Manibela chairperson Mar Valbuena, nagpasya silang itigil ang protesta matapos ang pulong kasama ang LTFRB at Department of Transportation, at dahil na rin sa hirap ng mga mananakay.

“Huling araw na ito ng aming transport strike at bukas ay magiging normal na,” ani Valbuena.

Samantala, nagsagawa ng hiwalay na isang araw na kilos-protesta ang grupong PISTON laban sa umano’y korapsyon sa flood control projects ng gobyerno.

Nagtayo sila ng hindi bababa sa 11 strike centers sa Metro Manila at Laguna, at nagmartsa mula UST patungong Mendiola para sa kanilang programa nitong hapon. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here