Home METRO 3 Pinoy biktima ng human trafficking, pinigil ng BI umalis ng bansa

3 Pinoy biktima ng human trafficking, pinigil ng BI umalis ng bansa

304
0

MANILA, Philippines – Tatlong Pilipino, na hinihinalang biktima ng human trafficking, ang pinagbawalang umalis ng bansa, sinabi ng Bureau of Immigration (BI) noong Huwebes, Setyembre 18.

Sa isang pahayag, sinabi ng BI na ang tatlong Pilipino – dalawang babae at isang lalaki – ay hinarang ng mga immigration officer sa Clark International Airport (CIA) sa Pampanga noong Setyembre 15.

“The trio initially claimed they were tourists on a four-day trip to Malaysia but were stopped after officers identified numerous conflicting statements,” sabi ng BI.

Nang maglaon, sinabi rin nito, ang tatlong Pilipino ay umamin na sila ay naglalakbay nang magkasama upang makakuha ng trabaho matapos ang isa sa kanila ay makatanggap ng alok na trabaho mula sa isang “ex-lover.”

Kasabay nito, sinabi ng BI na isa sa tatlong Pilipino ang ibinunyag na sila ay patungo sa Cambodia para magtrabaho bilang customer service representative na may ipinangakong suweldo na $1,000 kada buwan.

“Their recruiter allegedly promised that the tickets and details of their employment will be given to them upon their arrival in Malaysia, and that they have to pose as tourists for their departure from the Philippines,” sabi pa nito.

Sinabi ng BI na ang tatlong Filipino, na hindi isiniwalat ang mga pangalan, ay itinurn-over sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa facilitator at sa recruiter. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here