MANILA, Philippines – Hinimok ni Senador Francis Kiko Pangilinan ang mga ahensya ng gobyerno na i-preposition ang relief supplies at magpatupad ng maagang interbensyon upang protektahan ang mga vulnerable community mula sa inaasahang epekto ng malakas na El Niño.
Sa pahayag, sinabi ni Pangilinan, chairman ng Senate committee on agriculture, food security and agrariar reform na kailangang umaksyon bago pa lumala ang sitwasyon sa pamamagitan ng maagang interbensiyon sa bulnerableng sektor.
Sinabi ng senador na dapat unahin ng gobyerno ang low-income families, magsasaka, mangingisda, agricultural workers at iba pang vulnerable sectors na malamang na pinaka-maaapektuhan ng matagal na tagtuyot, pagtaas ng presyo ng pagkain at posibleng pagkalugi sa kabuhayang agrikultural.
“Prevention is better than cure,” aniya.
Aniya, sa halip na magturuan at magsisihan kapag nandiyan na ang problema, bakit hindi pa paghandaan ngayon. “Alam naman na paparating na ang Super El Niño at tiyak na tiyak na mga magsasaka, mangingisda at mga low-income households ang unang-unang maaapektuhan.”
Bilang chairperson ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform, matagal nang isinusulong ni Pangilinan ang mga reporma at modernisasyon sa sektor ng agrikultura at pangisdaan upang palakasin ang food security ng bansa.
Sa banta ng malakas na El Niño, nagpanukala rin ang senador ng eight-point action plan upang maibsan ang epekto nito sa mga vulnerable community, agricultural production at food supply.
Binanggit ni Pangilinan ang Section 9 ng Republic Act No. 12287 o Declaration of State of Imminent Disaster Act at binigyang-diin ang pangangailangan ng anticipatory measures, kabilang ang prepositioning at pamamahagi ng food at non-food items, mobilization ng response teams at pagtulong sa mga vulnerable community.
Sa ilalim ng kanyang proposed action plan, nanawagan si Pangilinan sa Department of Agriculture, Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Department of the Interior and Local Government, Office of Civil Defense at lahat ng kinauukulang local government units na magtulungan sa paghahanda at pagpapatupad ng local readiness plans.
Aniya, dapat tukuyin ng mga planong ito ang available supplies, storage at distribution facilities, transport arrangements at tauhang responsable sa delivery. Dapat ding ihanda ang water tankers, pumps, treatment equipment at repair teams para sa deployment kung saan kinakailangan.
Dapat aniyang bigyang-priyoridad ang vulnerable households na may malinaw na delivery schedules at safeguards upang matiyak na makakarating ang tulong sa mga dapat makatanggap nito nang walang hindi kinakailangang pagkaantala.
Nanawagan din si Pangilinan para sa imbentaryo ng available relief supplies, pagtukoy sa high-risk barangays at komunidad, malinaw na distribution arrangements at replenishment plans upang matiyak na maipapadala agad ang mahahalagang tulong kapag kinakailangan.
Tinukoy niya ang mga magsasaka at mangingisda, low-income households, bata, buntis at nagpapasusong kababaihan, senior citizens, persons with disabilities at mga residente ng geographically isolated at disadvantaged areas bilang kabilang sa mga dapat unahin sa paghahanda at relief efforts ng gobyerno.
Kasama rin sa eight-point action plan ang panawagan para sa nararapat na disaster declarations, pagtukoy ng available funds, proteksyon sa mga sakahan at water systems, pagpapatupad ng applicable price controls, mga hakbang laban sa profiteering at hoarding, livelihood assistance at isang public accountability system upang i-monitor ang mga interbensyon ng gobyerno. Ernie Reyes