Home ENTERTAINMENT Bahay ni Sylvia sa France, pinag-iinitan; LT, inuurotang magsalita!

Bahay ni Sylvia sa France, pinag-iinitan; LT, inuurotang magsalita!

307
0

Manila, Philippines – Nagsalita na’t ipinagtanggol ni Alma Concepcion si Sylvia Sanchez at pamilya nito sa gitna ng paratang na sangkot si QC Rep. Arjo Atayde sa korapsyon.

Ipinost kasi ni Alma sa Facebook ang bonding moments nila ni Sylvia in photos dated October 18, 2021.

Ito’y para patunayan na ang beach front house at iba pang ari-arian ng pamilya sa Tali, Nasugbu sa Batangas ay hindi katas ng pangungurakot.

Ikinanta kasi ng contractor na si Curlee Discaya si Arjo bilang tumanggap ng kanyang parte.

Depensa ni Alma, maliwanag sa timeline na taong 2022 nahalal sa Kongreso si Arjo.

Samantala, viral din sa social media ang magarang bahay ng mga Atayde sa Cannes, France.

Ang Cannes ay madalas puntahan ni Sylvia para tumingin at bumili ng pelikulang idi-distribute locally through their family-owned Nathan Studios.

Tinataon ‘yon ni Sylvia tuwing idaraos ang film festival doon.

Lagi niyang karay si Lorna Tolentino na hinihikayat din niyang mag-produce.

Sa viral video, mapapansing umaga ‘yon habang naghahanda ng almusal ang mga tao sa bahay.

Ina-annotate ni Sylvia ang video kung saan naroon din si Lorna na bagong gising like the rest of them.

Inuurutan si Lorna to speak up at idepensa rin si Sylvia na malapit sa kanya. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here