MANILA, Philippines – Inaayos ng Judicial and Bar Council (JBC) ang iskedyul ng deliberasyon nito upang magkaroon ng mas mahabang panahon para sa bagong Senate Committeee on Justice na suriin ang mga dokumento ng aplikasyon, sinabi ng Korte Suprema noong Huwebes.
Sinabi ni SC spokesperson Camille Ting na saklaw ng adjustment hindi lamang ang Ombudsman post kundi sa iba pang vacancies na kasalukuyang pinoproseso ng JBC.
Ang JBC deliberation ay orihinal na nakatakda para sa Sept.19 bago ito ni-reset sa ibang araw.
“The session will instead be held in the coming weeks,” sabi ni Ting
Ang JBC, isang konstitusyonal na katawan, ay sinusuri ang mga aplikante sa hudikatura at sa mga katawan tulad ng Opisina ng Ombudsman.
Kamakailan ay tinapos nito ang pampublikong panayam sa mga aplikanteng naghahanap ng posisyon ng ombudsman matapos mabakante ang puwesto matapos ang pitong taong termino ni dating Ombudsman Samuel Martires noong Hulyo 27. Jocelyn Tabangcura-Domenden