Home ENTERTAINMENT Robbie, tinakasan si Jinggoy!

Robbie, tinakasan si Jinggoy!

273
0

Manila, Philippines – Habang sinusulat ito’y baka nasa Amerika na ang kontrobersyal na si Robbie Tarroza.

The former actor took to Facebook his shocking exposè on Senator Jinggoy Estrada.

Nauna nang ipinost ni Robbie ang kanyang panawagan na magbitiw na si Jinggoy sa puwesto lest he’ll be forced to disclose the latter’s “double life.”

Dawit din ang dati niyang nobyo na umano’y nakarelasyon din ni Jinggoy noong nangangampanyang Presidente si FPJ.

Tinawag ni Robbie si Jinggoy na kapareho ng kanyang ex na “baboy” (in capital letters).

Hindi doon natapos si Robbie dahil inamin niyang may mga pagbabanta na raw sa kanyang buhay.

Pero malabo daw magtagumpay ang mga gumagawa niyon dahil isang Fed ang Amerikano niyang ama na malapit kay US President Donald Trump.

Gayunpaman, in-airlift na raw siya ng kanyang ama para sa kanyang kaligtasan.

Kasama niyang tumakas ang kanyang mga pusa’t kuting at alagang Chihuahua.

Nagbanta rin si Robbie na isisiwalat ang iba pa niyang kilalang bakla sa gobyerno.

Maging si Joed Serrano na nakarelasyon niya dati’y handa raw tumestigo laban kay Jinggoy, citing their alleged sexual encounters bordering on lewdness.

Ang tanong–patulan kaya siya ni Jinggoy or at the very least ay idemanda ng cyberlibel si Robbie?

At presstime, tahimik ang kampo ng senador na bukod sa paratang ni Eng’r. Brice Hernandez ang kinakaharap, hayan at dumagdag pa ang akusasyon ni Robbie! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here