Home HOME BANNER STORY Amihan umiihip na sa Hilagang Luzon

Amihan umiihip na sa Hilagang Luzon

1
0

MANILA, Philippines – Umiihip na ang Northeast Monsoon o Amihan sa ilang bahagi ng Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, ngayong Miyerkules, Oktubre 28, ay makararanas ng maulap na kalangitan na may mahinang pag-ulan ang Batanes, Apayao, at Cagayan dahil sa Amihan.

Ang Ilocos Region, nalalabing bahagi ng Cordillera Administrative Region, nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, at Nueva Ecija ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil din sa Amihan.

Samantala, ang Isabela, Aurora, Quezon, Oriental Mindoro, Marinduque, Camarines Norte, Camarines Sur, at Catanduanes ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at isolated thunderstorms dahil sa shear line.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rainshowers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here