Home ENTERTAINMENT Arjo, pumayat, tumanda ang itsura!

Arjo, pumayat, tumanda ang itsura!

532
0

Manila, Philippines – Obyus ang kapansin-pansing pagbabago sa itura ni Quezon City First District Representative Arjo Atayde.

Ito’y nang muli siyang masilayan sa botohan para sa bagong Speaker of the House.

Bumaba na kasi sa puwesto si Martin Romualdez na idinadawit din sa isyu ng korapsyon involving certain anomalous DPWH flood control and infra projects.

Si Rep. Faustino “Bojie” de Guzman Dy ang ibinoto ni Arjo bilang 29th House Speaker.

Mahihinuhang apektado si Arjo sa pagkakaladkad sa kanyang pangalan base sa pisikal na kaanyuan niya.

Halatang pumayat ang pangangatawan ng mister ni Maine Mendoza.

Medyo tumanda o nag-mature pa ang kanyang itsura, malayo sa nakagawian nang baby-faced aura niya.

Matatandaang idinawit din ang ama ni Arjo, ang negosyanteng si Art Atayde na inabutan umano ng P60M ni Curlee Discaya.

Mariing pinabulaanan ni Arjo ang alegasyon ni Curlee.

Maging si Maine ay pumalag din.

Halos kasabay ng pagbubunyag ay ang pag-viral ng mga video ng ilang ari-arian ng pamilya Atayde.

Dumepensa naman ang ilang malalapit na kapwa artista ng ina ni Arjo na si Sylvia Sanchez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here