Home NATIONWIDE Pinas uulanin kay Nando, habagat – PAGASA

Pinas uulanin kay Nando, habagat – PAGASA

340
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng malalakas na ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang Bagyong Nando (international name: Ragasa) at ang Habagat simula Linggo, ayon sa PAGASA.

Sa 5 a.m. advisory, tinatayang aabot sa 200 mm ang ulan sa Cagayan, habang 50-100 mm naman sa Batanes, Apayao, Zambales, at Bataan.

Pagsapit ng Lunes, higit 200 mm ang posibleng bumuhos sa Ilocos Norte, Apayao, Abra, Batanes, at Cagayan. Sa Ilocos Sur, La Union, at Kalinga, aabot sa 100-200 mm, habang 50-100 mm naman sa Pangasinan, mga probinsya ng Cordillera, Isabela, Nueva Vizcaya, Zambales, Bataan, at Tarlac.

Sa Martes, inaasahan ang 50-100 mm na ulan sa Ilocos Region, Pangasinan, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Benguet, Batanes, at Cagayan.

Magdadala rin ang Habagat ng 50-100 mm na ulan sa Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, Antique, at Palawan simula Linggo, na lalawak pa hanggang Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Rizal, at iba pang probinsya pagsapit ng Martes.

“Forecast rainfall may be higher in mountainous and elevated areas. Moreover, impacts in some areas may be worsened by significant antecedent rainfall,” babala ng PAGASA. Hinihikayat nito ang publiko at mga disaster offices “to take all necessary measures to protect life and property.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here