QUEZON, Philippines – Arestado ng pulisya ang dalawang indibidwal dahil sa umano’y ilegal na paglilipat at pagmanipula ng 21 LPG cylinder sa Barangay Cawayan nitong Sabado, Oktubre 3.
Ayon sa ulat, nakatanggap ang pulisya ng sumbong mula sa mga concerned citizen na inililipat ng mga suspek ang LPG mula sa isang pressure vessel patungo sa ibang lalagyan.
Napag-alaman din na umano’y pinakikialaman nila ang mga seal ng LPG cylinder sa pamamagitan ng pagputol at muling pagkakabit nito gamit ang init.
Inakusahan din ang mga suspek na minamanipula ang timbang ng LPG sa pamamagitan ng paglilipat ng laman mula sa isang cylinder patungo sa iba.
Nasamsam ng mga awtoridad ang 21 LPG cylinder, kabilang ang lima na walang seal, walo na may tampered seal, at walo na intact pa ang original seal.
Nahaharap ang dalawang suspek sa kaukulang reklamo. RNT/MDS