MANILA, Philippines – Anim na lugar sa Hilagang Luzon ang nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 2 habang patuloy na lumalakas ang Bagyong Nando (international name: Ragasa), ayon sa PAGASA nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa 5 a.m. bulletin, namataan ang mata ng bagyo sa layong 610 km silangan ng Tuguegarao City, Cagayan. May dala itong pinakamalakas na hanging 175 km/h at bugso na umaabot sa 215 km/h, habang kumikilos patungong hilagang-kanluran sa bilis na 15 km/h.
Nasa Signal No. 2 ang:
-Batanes
-Cagayan
-Babuyan Islands
-The northeastern portion of Isabela (San Mariano, Ilagan City, Tumauini, Cabagan, Palanan, Divilacan, Maconacon, San Pablo, Santa Maria, Santo Tomas, Delfin Albano)
-The eastern portion of Apayao (Luna, Santa Marcela, Pudtol, Flora)
-The eastern portion of Kalinga (Rizal)
Nanatiling nasa Signal No. 1 ang 18 pang probinsya kabilang ang:
-The rest of Isabela
-Quirino
-Nueva Vizcaya
-The rest of Kalinga
-The rest of Apayao
-Abra
-Mountain Province
-Ifugao
-Benguet
-Ilocos Norte
-Ilocos Sur
-La Union
-Pangasinan
-the northern portion of Zambales (Santa Cruz, Candelaria, Masinloc, Palauig)
-the northern and central portions of Nueva Ecija (Carranglan, Lupao, San Jose City, Pantabangan, Bongabon, Laur, Gabaldon, General Mamerto Natividad, Rizal, Llanera, Talavera, Science City of Muñoz, Santo Domingo, Talugtug, Palayan City, Cuyapo, Nampicuan, Guimba, Licab, Quezon, Aliaga, Cabanatuan City, Santa Rosa, Zaragoza, Jaen, San Leonardo, General Tinio, Peñaranda)
-the northern and central portions of Tarlac (San Jose, City of Tarlac, La Paz, Victoria, Gerona, Paniqui, Moncada, San Manuel, Anao, Ramos, Pura, Camiling, San Clemente, Mayantoc, Santa Ignacia)
-Aurora, at northern and central portions of Catanduanes (Pandan, Caramoran, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Gigmoto, San Miguel, Baras)
“Nando will begin to turn west northwestward today, moving towards Extreme Northern Luzon. The center may pass close or make landfall over Batanes or Babuyan Islands between Monday afternoon and evening, and may exit PAR by early Tuesday,” ayon sa PAGASA.
Nagbabala rin ang ahensya na posibleng maging super typhoon ang bagyo. Hinikayat nito ang publiko na “take all necessary measures to protect life and property” at sumunod sa evacuation orders ng lokal na pamahalaan.
Naglabas din ng gale warning sa mga baybayin ng Hilagang Luzon kung saan maaring umabot ng hanggang 11 metro ang taas ng alon. “Sea travel is risky for all types of vessels,” ayon sa PAGASA.
Maglalabas ng panibagong advisory ang PAGASA alas-11 ng umaga.