Home NATIONWIDE PH Red Cross nakaantabay para umagapay sa Sep. 21 protests

PH Red Cross nakaantabay para umagapay sa Sep. 21 protests

273
0

MANILA, Philippines – Nagpakilos ng mga team at resources ang Philippine Red Cross (PRC) para sa Trillion Peso March ngayong Setyembre 21, 2025.

Sa pamumuno ni PRC Chairman at CEO Richard J. Gordon, may kabuuang 131 staff at volunteers ang na-deploy sa tatlong pangunahing rally sites: EDSA People Power Monument, Luneta Park, at Mendiola. Kabilang sa mga asset ng PRC ang limang (5) first aid station, labing-apat (14) na ambulansya, isang (1) medical tent, limang (5) foot patrol units, dalawang (2) fire truck, dalawang (2) food truck, at walong (8) scooter units.

Ayon sa PRC, lahat ay handang tumugon sa mga medikal na emergency at magbigay ng agarang tulong sa sinumang nangangailangan.

“The Philippine Red Cross is here to ensure safety and provide assistance where it is needed most. Our teams are prepared to respond so that everyone has access to timely and compassionate humanitarian support,” sabi ni Gordon.

Para sa EDSA rally, ang mga PRC station ay matatagpuan sa Corinthian Gardens sa kahabaan ng Don Vicente Madrigal Avenue, Gate 5 ng Camp Aguinaldo, ang EDSA Shrine, at sa labas ng Church of Jesus Christ of Latter-day Saints (White Plains Avenue at Temple Drive).

Sa Luneta at Quirino Grandstand, naka-set up ang mga istasyon ng PRC sa magkabilang gilid ng grandstand, sa kahabaan ng Bonifacio Drive at Roxas Boulevard. Sa Mendiola, nakaposisyon ang mga istasyon sa kahabaan ng Recto Avenue, Arlegui Street, at Earnshaw Street.

Nagsagawa rin ng kilos-protesta sa Baguio, Cebu, at Dumaguete.

Ang Trillion Peso March, na inorganisa ng iba’t ibang grupo ng mamamayan, ay protesta laban sa mga kontrobersiyang kaugnay ng patuloy na pagsisiyasat sa mga maanomalyang proyekto sa flood control.

Ayon sa PRC, ang kanilang papel ay humanitarian lamang.

Ang mga nangangailangan ng tulong ay maaaring tumawag sa hotline ng PRC 143. Ang Philippine Red Cross ay Laging Una, Laging Handa, Laging Nariyan.

Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here