Home Uncategorized Palasyo: Walang ligalig sa militar sa gitna ng anti-corruption rallies

Palasyo: Walang ligalig sa militar sa gitna ng anti-corruption rallies

272
0

MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ng Malacañang ang spekulasyon ng pagkakagulo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) sa gitna ng malawakang kilos-protesta laban sa anomalya sa flood control projects.

“Wala tayong nakikitang ganun. Tiwala ang Pangulo sa ating mga uniformed personnel, sa ating mga opisyal,” pahayag ni Palace Press Officer Claire Castro. Giit pa niya, naniniwala si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “hindi anti-Marcos ang mga tao kundi anti-corruption.”

Bagama’t may mga retiradong opisyal-militar na nagprotesta sa labas ng Camp Aguinaldo, iginiit ng Palasyo na nananatiling tapat ang AFP sa Konstitusyon.

Nauna nang iniulat ni Marcos ang flood control mess sa kanyang SONA at bumuo ng independent body para imbestigahan. Kanselado rin ang biyahe niya sa UN General Assembly upang personal na tutukan ang mga protesta at siguruhing mapanatili ang kaayusan.

Dagdag ni Castro, iginagalang ng Pangulo ang mga kilos-protesta bilang bahagi ng malayang pagpapahayag, basta’t mananatiling mapayapa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here