Home HOME BANNER STORY Pasok sa trabaho, klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, 29...

Pasok sa trabaho, klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, 29 na lugar sinuspinde ng Malakanyang

334
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa gobyerno at klase sa lahat ng antas, ngayong araw ng Lunes, Setyembre 22, bunsod ng malakas na pag-ulan dala ng Super Typhoon “Nando” at Southwest Monsoon.

Ang suspensyon ay tugon sa naging rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahilan para magpalabas ng Memorandum Circular No. 97, ang Office of the President (OP) na may lagda ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang mga lugar na suspendido ang trabaho sa tanggapan ng gobyerno at klase sa lahat ng antas ay ang:

• Metro Manila

• Abra

• Antique

• Apayao

• Bataan

• Batanes

• Batangas

• Benguet

• Bulacan

• Cagayan

• Cavite

• Ifugao

• Ilocos Norte

• llocos Sur

• Isabela

• Kalinga

• La Union

• Laguna

• Mountain Province

• Nueva Ecija

• Nueva Vizcaya

• Occidental Mindoro

• Oriental Mindoro

• Pampanga

• Pangasinan

• Palawan

• Romblon

• Rizal

• Tarlac

• Zambales

Gayunman, ang mga ahensiya na responsable sa ‘basic, vital and health services, preparedness and response duties” ay dapat na magpatuloy at manatiling operational upang matiyak na nagpapatuloy ang mahahalagang government functions.

“Non-vital government employees of subject agencies and all other government employess may be engaged under approved alternate work arrangements, subject to applicable laws, rules and regulations,” ayon sa MC 97.

Sa kabilang dako, ang localized cancellation o suspensyon ng klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa ibang rehiyon ay maaaring ipatupad ng kani-kanilang Local Chief Executives, alinsunod sa mga kaugnay na batas, rules and regulations.

Ang suspensyon naman ng trabaho sa pribadong kompanya at tanggapan ay ipinauubaya na sa diskresyon ng kani-kanilang pinuno.

Ang nasabing Circular ay kagyat na magiging epektibo.

Samantala, ang paalala naman ng Department of Interior and Local Government sa publiko ay “keep dry and be safe everyone.” (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here