Home HOME BANNER STORY Isko may natanggap na report, riot sa Mendiola posibleng pinondohan ng dating...

Isko may natanggap na report, riot sa Mendiola posibleng pinondohan ng dating politiko

255
0

MANILA, Philippines – IBINAHAGI ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na may natanggap siyang inisyal na ulat na pinondohan umano ng isang dating politiko at isang abogado ang mga raliyista na sumira sa mga ari-arian sa kahabaan ng Recto Avenue sa panahon ng protesta laban sa katiwalian nitong Lunes, Setyembre 22.

“Merong  mga initial report, sketchy pa, may dating pulitiko, Filipino-Chinese ang funder, tapos may isang abugado, funder din, nung mga bata na iyon kagabi,” ani Domagoso sa isang panayam.

Aniya, ang ilan sa mga nasangkot na kabataan na nanggulo at nanira ng mga ari-arian sa Recto, Maynila ay nagmula pa sa iba’t-ibang lugar tulad ng Taguig, Pasay, Parañaque, Caloocan, at Quezon City

Batay naman sa ulat ng Manila Police District, may kabuuang 113 katao ang naaresto dahil sa pamamato, pagsira ng mga ari-arian, at pagsunog ng mga gulong.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Domagoso na nasa 100 pulis ang naitapang nasugatan sa naganap na kaguluhan.

“Meron pa ko isang nag-kritikal pero ligtas na,” ani Domagoso.

Nabatid pa sa alkalde na tinatayang aabot sa milyon ang halaga ng mga nasira sa naganap na kaguluhan na ang sangkot karamihan ay mga kabataan.

Samantala, pinasinungalingan naman ni Domagoso ang kumakalat na may mga namatay sa nahanap na kaguluhan sa Maynila.

“‘Wag po kayo magpapaniwala. Kung maraming namatay eh di sana nakita na ng media,” ani Domagoso. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here