Home NATIONWIDE Mga sangkot sa riot sa Maynila maaaring maharap sa reklamong sedition –...

Mga sangkot sa riot sa Maynila maaaring maharap sa reklamong sedition – Remulla

340
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Lunes, Setyembre 22 na maaaring maharap sa reklamong sedition ang mga sangkot sa marahas na protest action sa lungsod ng Maynila nitong Linggo, Setyembre 21.

”They can go as far as sedition,” sinabi ni Remulla sa press conference sa Palasyo.

Nauna nang sinabi ng Manila Police District na maaaring ang grupo ng hip-hop gangsters ay naimpluwensyahan ng isang rapper para humantong sa karahasan.

Nitong weekend, sinabi ni Remulla na sa inisyal na impormasyon, ang mga menor de edad na sangkot sa marahas na rally ay nagtangkang pumasok sa Malakanyang at sunugin ito.

Samantala, sinabi ni Remulla na pinanatili pa rin ng mga pulis ang maximum tolerance sa pagresponde rito.

”They acted according to law,” ayon pa sa opisyal. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here