Home NATIONWIDE ‘Hip-hop gangsters’ posibleng nasa likod ng September 21 riot – MPD

‘Hip-hop gangsters’ posibleng nasa likod ng September 21 riot – MPD

336
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Manila Police District (MPD) nitong Lunes, Setyembre 22 na isang grupo ng mga hip-hop gangster na nagsasabing naimpluwensiyahan sila ng isang rapper ang posibleng nasa likod ng karahasan na naganap nitong Setyembre 21 na rally laban sa katiwalian sa Maynila.

Ang tinutukoy ni MPD spokesperson Police Major Philip Ines ay ang mga indibidwal na nakasuot ng itim na damit, bonnet, at maskara na naghagis ng mga bagay at sumisira sa mga ari-arian sa kahabaan ng Ayala Boulevard, Mendiola, at Recto Avenue.

Ayon pa kay Ines, ang mga indibidwal na naaresto ay nagmula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Nakikipag-ugnayan na rin ang MPD sa Philippine National Police (PNP) Anti-Cybercrime Group para suriin ang kanilang mga claim.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon at tinitignan din ang posibilidad na nakalusot ang mga makakaliwang grupo sa malawakang rally noong Linggo.

Nauna rito, sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno na ang inisyal na imbestigasyon ay mayroong dating pulitiko na Filipino-Chinese at isang abogado na umano’y nagpopondo sa mga ralyista. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here