Home HOME BANNER STORY 1 patay sa saksak kasunod ng riot sa Maynila – DOH

1 patay sa saksak kasunod ng riot sa Maynila – DOH

307
0

MANILA, Philippines – Isa ang kumpirmadong nasawi matapos ang kaguluhan sa kilos protesta kahapon, Setyembre 21 sa C.M. Recto Avenue sa Maynila.

Ayon ito sa Department of Health (DOH) matapos isugod sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center (JRRMMC) ang nasa 48 indibidwal na nasaktan sa nasabing aktibidad.

Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na idineklarang dead on arrival dahil sa tinamong saksak.

Dalawang pulis naman ang nagtamo ng minor injuries (laceration at pasa sa katawan) at agad ding nakalabas matapos gamutin.

Mayroon ding anim iba pang pasyente ang nagtamo ng iba’t ibang sugat kabilang ang hiwa sa paa, eye trauma, head trauma, injury sa ugat ng kaliwang braso, gunshot wound, at matinding sugat sa braso.

Apat sa kanila ay nakalabas na matapos gamutin, habang dalawa ang kasalukuyang naka-admit para sa karagdagang gamutan.

Bukod dito, 39 pang raliyista ang sumasailalim ngayon sa physical examination bilang bahagi ng proseso bago sila dalhin sa kulungan. Wala namang agarang panganib sa kanilang kalusugan.

Ayon kay Health Secretary Ted Herbosa, sakop pa rin ng Zero Balance Billing ang mga pasyente na nasangkot sa kaguluhan sa marahas na kilos protesta.

“Tinitiyak ng DOH na sakop pa rin ng Zero Balance Billing ang mga pasyenteng ito, alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na tiyakin ang maagap at dekalidad na serbisyong medikal para sa lahat ng Pilipino,” ani Herbosa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here