Home NATIONWIDE Pagpasa sa 2026 national budget, sentro ng bagong liderato ng Kamara

Pagpasa sa 2026 national budget, sentro ng bagong liderato ng Kamara

251
0

MANILA, Philippines – Nakasentro sa pagpapasa ng 2026 proposed national budget ang liderato ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III na kahit walang pasok ngayong Lunes ay tuloy ang budget amendments at revisions sa mga sub-committees ng House Appropriations Committee.

Sa kaniyang kauna-unahang pagdalaw sa House Media Center ay nagpaunlak ng interview si Dy ngunit naging maikli lamang ang mga katugunan sapagkat pupuntahan niya ang ginagawang committee meetings.

“Ngayon ay meron tayong ginagawang amendments and revisions sa sub-committees na kung saan maraming members ng House ang tinatalakay at binubusisi and budget for next year. Iyan po ang dapat nating pagtuunan ng pansin at hinihiling ko sa inyong lahat na sama-sama nating bantayan ang proposed budget na ito nang matiyak na tama ang paglalaanan ng bawat pondo, nang bawat sentimo para po sa ating sambayanan,” ani Dy.

Nang tanungin kung itutuloy pa ang imbestigasyon ng Kamara ukol sa mga irigularidad sa flood congtrol programs, sinabi ng bagong speaker na kung kinakailangan ituloy ay kaniya itong isusulong.

“Maraming mga natanggal na flood control projects po, pero kung ito naman ang talagang kakailanganin ayon sa NOAH (iyong apps NOAH) ay doon malalaman kung ang area ay kailangan ng mg flood control. Si Secretary Vince Dizon ang gumagawa ng lahat ng recommendation kung maitutuloy o mabibigyan pa ba ng pondo iyong mga districts o probinsya na nangangasilangan ng ganitong klaseng (pondo).”

Sa usapin ng paglalabas ng statement of asset liabilities and networth (SALN) ng mga kongresista ay pabor si Dy na ilantad sa publiko ang SALN ng mga mambabatas.

“Sa tingin ko naman sa ngayon ay kailangan naman talaga na makita nila na ang ating mga miembro hindi lamang dito sa mga miembro ng Mababang Kapulungan, ang Kongreso ay makita at maging bukas ang SALN ng bawat isa upang maipakita natin sa ating mga kababayan at manumbalik ang pagtitiwala sa atin,” paliwanag ni Dy. Meliza Maluntag

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here