Home NATIONWIDE DPWH humingi ng tulong sa DILG, DND sa validation ng flood control...

DPWH humingi ng tulong sa DILG, DND sa validation ng flood control projects

294
0

MANILA, Philippines – Nagpasaklolo na si DPWH Secretary Vivencio Dizon sa Department of the Interior and Local Government at Department of National Defense para sa ginagawang on-the-ground validation ng mga flood control projects sa bansa.

Kasama rito ang pwersa ng PNP at AFP na magsisilbing katuwang sa pagberipika ng aktwal na lagay ng mga proyekto.

Ito ay upang matiyak ang integridad at wastong paggamit ng pondo ng bayan.

Ayon kay Dizon, ang hakbang ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palakasin ang transparency, pananagutan, at tiwala ng publiko sa mga proyektong imprastruktura. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here