PERU – Sugatan ang nasa 18 katao kabilang ang mga pulis at mamamahayag nang sumiklab ang karahasan sa anti-government protests sa Lima, Peru.
Daan-daang raliyista ang nakasagupa ang mga pulis sa naturang lungsod nitong Linggo, Setyembre 21.
Nagpaulan ng bato at stick ang mga demonstrador na ginantihan naman ng tear gas ng mga awtoridad.
Ang kilos-protesta ay inorganisa ng youth-led “Generation Z” collective.
Pagsapit ng gabi, ang mga nagpoprotesta ay nilahukan ng iba pang grupo na hindi masaya sa pamumuno ni President Dina Boluarte na namato rin sa mga pulis.
Sa inisyal na ulit, tatlong pulis ang sugatan habang anim na mamamahayag ang tinamaan din ng mga pellet na ipinutok ng mga pulis.
Sumadsad ang approval ratings ng Pangulo dahil sa tumataas na kaso ng extortion at organized crime. RNT/JGC