MANILA, Philippines – Sinuspinde na rin ang isang District Engineer ng Baguio City na si Rene Zarate dahil sa umano’y pagsira at pagbabago ng mga dokumento ng mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Hindi umano sumunod si Zarate sa kautusan ni DPWH Secretary Vince Dizon na makipagtulungan sa Independent Commission for Infrastructure o ICI, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa mga flood control at iba pang infrastructure projects.
Batay sa inilabas na memorandum ni Secretary Dizon, inatasang magsumite ng mga kinakailangang dokumento, impormasyon at testimonya ang lahat ng opisina ng DPWH mula Central, Regional at District Engeneering Offices upang suportahan ang imbestigasyon ng ICI.
Diin pa ng kalihim, maaari ring maharap sa administratibo o criminal charges ang sinumang opisyal o kawani na hindi susunod.
Layon din ng preventive suspension na hindi maimpluwensyahan ang imbestigasyon at upang mapangalagaan ang integridad ng mga ebidensya, ayon kay Remulla. Jocelyn Tabangcura-Domenden