MANILA, Philippines – Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na hindi dapat tratuhin bilang heightened people ang mga naarestong menor de edad sa ikinasang anti-corruption rally nitong Setyembre 21.
Kasabay nito, tiniyak ng kalihim na igagalang ang karapatan ng mga menor de edad.
“When we’re talking about minors, siyempre may proteksiyon ang State diyan. Ayaw natin silang i-treat as heightened people kaagad,” pahayag ni Remulla sa isang panayam nitong Lunes, Setyembre 22.
Paliwanag ni Remulla, bago ipagatuloy ang mga kaso laban sa mga naarestong minors ay dapat munang unawain ang kanilang sitwasyon.
Ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG), 216 katao ang inaresto sa mga rally kahapon, kabilang ang 89 menor de edad.
Sa bilang na ito, 65 ay nasa edad 15 hanggang 17, habang edad 14 pababa ang 24 na iba. Jocelyn Tabangcura-Domenden