MANILA, Philippines – Handang magbigay ng tulong ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) Motor transport sa ilalim ng Assistant Postmaster General for Operations sa panahon ng emergency tulad ng relief operations bilang suporta sa kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na pakilusin ang mga concerned national agencies para tulungan ang mga lokal na pamahalaan sa pananalasa ng bagyong Nando.
Magbibigay din ang PHLPost ng relief assistance sa pamamagitan ng pag-alok ng kanilang trucks at logistics network para sa pagdadala ng relief goods mula sa ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na apektado ng bagyo.
Samantala, inanunsyo ng PHLPost Megal Manila Area na ang Post Offices na nanatiling bukas na may limitadong skeletal force para sa Postal ID capturing sa Manila Central Post Office, Makati Central Post Office at Quezon City Central Post Office.
Bukas din ang mga Post Offices sa loob ng malls maliban sa Government Services Express (GSE), na isang one-stop hub na nagbibigay ng access sa ibat-ibang pangunahing serbisyo ng ahensya ng gobyerno.
Nagbibigay din ng serbisyo tulad ng Postal ID capturing and registration sa Caloocan central Post Office sa loob ng LRT Northmall . Jocelyn Tabangcura-Domenden