Home NATIONWIDE Rider tinaga sa mukha ng lalaking tinuksong kabayo

Rider tinaga sa mukha ng lalaking tinuksong kabayo

279
0

Bulacan – Arestado ang lalaking tumaga sa mukha ng motorcycle rider na inakalang niyang nangutya sa kanya sa bayan ng Doña Remedios Trinidad (DRT).

Sa report ng pulisya, nangyari ang pananaga bandang 12:30 ng madaling araw nitong Setyembre 21 sa Sitio Proper, Brgy. Talbak.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang hindi pinangalanang biktima ay lulan ng motorsiklo at nang makita ang ilang kakilala sa lugar ay bumaba at nakiumpok ito.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumulaga ang suspek na itinago sa alyas na “Boy itak”, bitbit ang kanyang gulok na bolo at galit na sumigaw ng: “Sinong kabayo?!”

Dahil dito, walang kaabog-abog na tinaga sa mukha ng suspek ang biktima na pinagbintangan niyang nangutya o tumawag sa kanyang kabayo.

Sa kabutihang-palad, gasgas sa kaliwang pisngi ang naging sugat sa pananaga na agad humupa ang insidente at naaresto ang suspek nang dumating ang nagpapatrulyang mga tanod sa lugar.

Narekober ang farm bolo sa suspek na nahaharap sa kaukulang kaso habang nakakulong sa himpilan ng pulisya. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here