Home NATIONWIDE Kelot na rapist ng stepdaughter laglag sa NBI

Kelot na rapist ng stepdaughter laglag sa NBI

224
0

MANILA, Philippines – Arestado ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang lalaki sa General Santos City dahil sa umano’y qualified rape at sexual assault sa kanyang stepdaughter na isang menor de edad.

Ayon sa NBI, ang biktima ay hinalay umano ng kanyang step father noong Enero 10 sa loob ng kanilang bahay at sa loob ng nakaparadang tricycle noong Enero 11.

Inilabas ng NBI ang arrest warrant ng General Santos City Regional Trial Court Branch 11 para sa qualified rape ng minor at sexual assualt.

Ipinatupad ng awtordad ang warrant noong Setyembre 12 sa trabaho ng suspek.

Ayon sa NBI, kasalukuyang nakaditine sa Bureau of Jail Management sa General Santos ang suspek, ayon sa NBI. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here