Home NATIONWIDE Malakanyang, hangad na maimbestigahan si Chavit Singson sa ‘revolution’ remarks

Malakanyang, hangad na maimbestigahan si Chavit Singson sa ‘revolution’ remarks

402
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – HINILING ng Malakanyang sa Department of Justice (DOJ) at Philippine National Police (PNP) na imbestigahan si dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson para sa posibleng ‘inciting to sedition charges’ matapos hikayatin ang mga estudyante na sumama sa rebolusyon laban sa korapsyon.

Sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na papanagutin ang mga nag-udyok ng karahasan sa rally laban sa korapsyon, araw ng Linggo.

“Ang gusto po ng Pangulo ay managot ang lahat na maaaring managot at lahat na maaaring sangkot sa marahas na nangyari,” ayon kay Castro.

Sa ulat, di umano’y hinikayat ni Singson ang mga menor de edad na lumiban sa klase para sumama sa protesta.

“At si Mr. Chavit Singson pa ang nagsabi na hayaan ng mga magulang ng mga batang ito na tumayo para sa isang rebolusyon para sa korupsyon,” ani Castro.

Ani Castro, bahala na ang DOJ at ang law enforcement agencies na idetermina kung ang mga naging pahayag ni Singson ay babagsak sa ‘inciting to sedition’, na may parusang hanggang anim na taon sa ilalim ng Revised Penal Code.

“Tayo na po ang makiki-usap sa pamunuan, especially kay [Interior] Secretary Jonvic Remulla, kay acting PNP chief General (Jose Melencio) Nartatez Jr. and, of course, DOJ, na busisiin mismo ang mga sinabi ni Mr. Chavit Singson,” aniya pa rin. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here